Saturday, February 28, 2009

Pananaliksik

I. PAKSA NG PANANALIKSIK

A. PANUKALANG PAHAYAG

“Ang Filipino independent films o indie films na may temang sekswal ang madalas na nakakasali o nananalo sa mga lokal at international film festival.”


B. INTRODUKSYON/PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang paksa ng pananaliksik ay tungkol sa tagumpay ng mga Filipino indie films na mayroong sekswal na tema o ang kwento ay umiikot sa kasarian ng tao o prostitusyon. Nais ng pag-aaral na ito na ipakita na ang mga ganitong klase ng pelikula ang madalas na nakakasali o nagkakamit ng parangal sa mga lokal o international film festival at award-giving bodies tulad ng Cannes Film Festival, Berlin Film Festival, Cinemalaya Film Festitival at iba pa. Naging dahilan ang maingay na pagkapanalo ng mga pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros at Serbis sa mga film fest sa loob at labas ng bansa kaya naisilang ang panukalang pahayag ng mga manananaliksik.


C. REBYU O PAG-AARAL

Ayon kay Emil Karlo A. dela Cruz sa kanyang editoryal sa The Varsitarian na may pamagat na “Who wants to be an indie film-maker?”, ang mga pelikula ngayon ay “market conscious” na o mas iniisip na nila ang kikitain ng pelikula kasunod ang kalidad nito bago gumawa ng nasabi. Kilala ang mga mainstream na pelikula sa ganitong gawain at unti-unti na ring ginagawa ito ng mga indie film na tagapagligtas sana ng bumababa nating industiya ng pelikula. Ayon sa isang U.P. professor, ang paggawa ng mga indie film o ang pagkuha ng “indie-movie look” ay pilit na. Kitang-kita na may nagaganap nang “mainstreaming” at ang tanging nakakapagsabi na lamang na isa itong indie film ay ang magandang plot o kwento nito at ang realidad na hindi ito ipinalalabas sa mga commercial cinemas at hindi ito na-aadvertise.


Ayon sa
Philippine Entertainment Portal, may inihahanda nang pelikula muli ang award-winning filmmaker na si Jeffrey Jeturian (direktor ng local and international award-giving bodies and film festivals na Kubrador). Isang dramatic gay love story ang susunod na proyekto nito na pinamagatang Parangal, ang ikatlong pelikula nito sa MLR Films ni Atty. Josabeth "Joji" Alonso. Tulad ng Minsan Pa at Kubrador, ang Parangal ay mula sa panulat ni Armando "Bing" Lao na lagi nang kasama ni Direk Jeffrey.
Ngayon kasi ay mabilis na naglalabasan ang mga indie film na tumatalakay sa gay relationships na halos lahat ay tumitipak sa takilya kahit na low-budgeted ang mga ito. Halimbawa nito ay ang Ang Lalake Sa Parola (Harry Laurel at Justin de Leon), Ang Lihim Ni Antonio (Josh Ivan Morales), Sikil (Will Sandejas at Ken Escudero), Hanggang Dito Na Lamang At Maraming Salamat (Noni Buencamino at Jon Santos), Troika (Andre Soriano at Jamil Basa), Roxxxane (Sheree, Jay Aquitania, at Janvier Dailey), Selda (Emilio Garcia, Sid Lucero, Ara Mina), at Daybreak (Coco Martin at Paolo Rivero). Ayon kay Direk Jeffrey, hindi siya nakikisabay sa mga ito. Nagkataon lang na ito ang nagustuhan nilang gawin ng scriptwriter na si Bing Lao.
"Ang Parangal ay tungkol sa isang middle-aged gay na namatay. Ang kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, at lovers ay magkikita sa wake ng namatay na bading. Ang bawa't character ay may kanya-kanyang kuwento tungkol sa namayapang gay, pero ang pinaka-focus ay ang current lover nitong naiwan niya," ani Direk Jeffr ey sa isang text message sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Yes, it's my first gay film," dugtong ng direktor. "'Yung lover [guy] niya ang bida sa movie. It just so happened that a dear friend of us [Bing and me] died last year, and Bing was inspired by his story. So, ni-resurrect niya yung isang istorya niya before, na ang set ay sa wake rin ng isang taong namatay."

D. LAYUNIN

Pangkalahatan
Layunin ng pananaliksik na ito na makapag-ambag sa mga pag-aaral ukol sa paggawa ng mga indie film.

Tiyak
Layunin ng pananaliksik na ito na ipakita ang kahalagahan ng mga Filipino indie films ngayon. Hangad nito na patunayan na malaki ang kontribusyon nito sa pagpapaangat ng unti-unting namamatay na industriya ng pelikula. Layunin din ng mga mananaliksik na makapag-ambag sa mga direktor na nagnanais na makagawa ng dekalidad na pelikula na may temang sekswal o iba pa na nagpapakita ng tunay na kalagayan ng tao sa ating bansa.

E. HALAGA
Magkakapagbigay-kaalaman ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng panlipunang isyu ng bansa, tulad ng prostitusyon, dahil maaaaring maging salamin ang resulta nito sa nagiging karanasan ng mga Pilipino. Sa pelikula madalas ipinapakita ng mga direktor at manunulat ang mga totoong karanasan ng mga tao. Ito ang ginagawa nilang midyum sa pagpapahayag ng gusto nilang iparating sa iba. Sa pag-aaral na ito, ang mga nagnanais na direktor na gumawa ng indie films ay matutulungan sa pagpili ng tema na gagamitin upang makagawa ng isang magandang pelikula na maaaring isali sa mga film festival.


F. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS



Madaming mga Filipino indie films ngayon ang nakakasali sa mga lokal at international film festival dahil sa magandang kalidad ng mga ito. Iba’t iba ang tema na nais iparating ng ating mga indie films at isa na rito ang temang sekswal na tumatalakay sa kasarian ng tao o sa prostitusyon. Ang mga pelikula na may sekswal na tema ang madalas na nakakasali o nagkakamit ng mga parangal sa mga film festival.



G. METODOLOHIYA

Isasagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng:
o Paghahanap ng mga indie films na nakasali o nanalo sa mga international film festival gamit ang internet.
o Pagrerebyu at panonood sa mga makakalap na mga pelikula.



H. SAKLAW/DELIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay gagawin ng limang estudyante mula sa kolehiyo ng komersyo ng UST. Ang panahong nakalaan ay halos apat na buwan na nagsimula noong Nobyembre at kinakailaangan matapos bago dumating ang ika-27 ng Pebrero taong 2009. Tatlumpung (30) Filipino indie films na mayroong wikang Fiilipino o Inges na nakasali o nanalo na sa mga lokal at international film festival noong 1980 hanggang sa ngayon ang magiging pangunahing materyales ng mga mananaliksik. Ang pagpili ng mga pelikula ay random. Aalamin sa bawat pelikula ang direktor, tema nito at ang mga film festival na nasalihan nila at ang mga parangal na nakamit nila.


I. DALOY NG PAG-AARAL

1) Ang unang bahagi ng pananaliksik ay tumatalakay ng introduksyon tungkol sa paksa ng pag-aaral. Sinasabi rito kung paano at kalian nagsimula ang paggawa ng mga indie films. Kasama rin dito ang taong nagsimula ng mga nasabing uri ng pelikula.
2) Ang ikalawang bahagi ng pananaliksik ay ang presentasyon ng mga datos na nakalap. Saad nito ang talumpung pelikula at ang director, tema, at parangal o nominasyon ng bawat isa.
3) Ang ikatlong bahagi ng pananaliksik ay nagsasaad ng mga ginawang pagpapaliwanag sa mga nakalap ng datos.
4) Ang ikaapat na bahagi ng pananaliksik ang nagsasabi ng kongklusyon ng pag-aaral. Dito nalalaman kung umayon o hindi ang panukalang pahayag base sa pag-aaral na ginawa.
5) Ang ikalimang bahgi ng pananaliksik ang nagbibigay ng mga rekomendasyon na maaaring makatulong sa mga susunod na mananaliksik.


II. MGA DATOS NA NAKALAP

Ang mga nakalap na datos ay mula sa
http://www.aenet.org/family/filmhistory.htm

A. KASAYSAYAN NG FILIPINO INDIE FILMS

Maaga pa noong 1970’s ay mayroon nang mga independent na direktor at produsyer na gumagawa ng pelikula maliban sa mga malalaking pangalan sa industriya tulad ng Lebran, Premiere Productions, Sampaguita at LVN. Taong 1977, si Eric de Guia o mas kilala sa tawag na Kidlat Tahimik ang gumawa ng pelikulang Perfumed Nightmare. Ang pondo na ginamit sa pelikulang ito ay mula sa kanyang personal na pera at sa ilang kaibigan nito. Bilang baguhan sa industriya, isang sugal ang ginawa niyang ito pero dahil sa paniniwala niya na mas mahalagang makita ng mga manunuod ang laman at nais sabihin ng pelikula kaysa isipin kung magkano ang kikitain nito, itinuloy niya ang proyekto. Ang Perfumed Nightmare ay lumikha ng ingay sa industriya ng pelikula nang magwagi ito sa International Critic’s Prize sa Berlin Film Festival.

Marami ang sumunod sa ginawa ni Kidlat Tahimik. Ang ilan dito ay ang pelikulang Oliver ni Nick de Ocampo at Ang Magpakailanman ni Raymond Red na ginawa noong 1983. Kapwa ito nakasali sa mga film festival sa abrod na naging senyales sa pagbubukas ng bagong uri ng pelikula sa industriya, ang mga indie films. Ang mga independent films o indie films ay kumakatawan sa sensitibong isyu tulad ng kahirapan at politika na hindi kadalasan ipinapalabas ng commercialized na pelikula, sapagkat alam nilang hindi ito kikita at dahil halos lahat ng mga manonood ay gustong iwasan na mapanuod ang mga isyung ito sa pelikula. Dumami ang nahilig sa paggawa ng indie films na hindi lamang para magbigay aliw o entertainment kundi para na rin sa pagpapakita ng mga realidad ng buhay.


Kaunti lamang ang manonood ng indie films, kabilang ang mga kabataan at ang mga kapwa direktor na gumagawa rin ng katulad na pelikula. Dahil dito, naging maliit ang sakop ng mga sumusoporta sa mga indie films. Naging mahina rin ang takbo ng mga pelikulang ito. Pero sa paglaganap ng internet at digital technology noong 1990’s ay hindi naging imposible ang tuluyang paglago nito. Naging madali sa mga independent direktor ang gumawa ng pelikula dahil sa mga makabagong camera, sound technology, editing software at kompyuter. Ang mga ito ang tumulong sa marami pa upang makagawa ng mga bagong pelikula.


Sa isang interbyu kay Khavn dela Cruz, isang batikang indie film direktor, sinabi niya na ang kanyang mga pelikula ay hindi karaniwan at mas mahirap maintindihan, kaya sinubukan niyang baguhin ito para sa masa ngunit sa huli ay hindi pa rin ito naging patok at naging uncommercial pa rin. Nabanggit din niya na nais ng mga Pilipino ang emosyonal kaysa sa intelektwal na pelikula kaya mas tinatangkilik ng mga manunuod ang mga pelikulang gawa ng mga malalaking kompanya.


Naging kalaban man ng malalaking kompanya ng pelikula ang mga indie films ay nakipagkaisa pa rin sila sa mga ito. Tinutulungan nila ang mga indie films sa kanilang pinansyal na pangangailangan at sa promosyon ng pelikula na kadalasang problema ng mga direktor ng indie films, halimbawa ay ang mga pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros at Magnifico ay sinuportahan ng Star Cinema.


Isa sa mga film festival na nagbibigay parangal sa mga indie films dito sa Pilipinas ay ang Cinemalaya. Nakatuon sila sa pagtulong ng pagpapaunlad at promosyon ng mga indie films. Umaasa ang mga nag-organisa nito na magkaroon ang mga batang gumagawa ng pelikula ng kakayahan at deteminasyon na magkaroon ng mga pelikula na nagpapahayag ng sarili nilang konsepto.

Ang mga nakatalang datos ay mula sa mga sumusunod:
o http://www.filipinasoul.com/six-filipino-films-at-the-berlin-film-fest/
o http://www.filipinasoul.com/filipino-films-in-rotterdam-film-festival/
o http://www.filipinasoul.com/filipino-film-well-received-in-cannes/
ohttp://technorati.com/posts/g_oppDCL%2BFElUvqWhKX6dEQenmCZpOtP1zq_SYoM9UM%3D
ohttp://www.asianpopcorn.com/default.asp?display=Two_Filipino_Indie_Films_Penetrate_61st_Cannes_Film_Festival-5045
ohttp://showbizandstyle.inquirer.net/entertainment/entertainment/view/20080526-138773/Finally-a-Filipino-indie-film-on-music-and-musicians
ohttp://www.philippine-embassy.de/bln/index.php?option=com_content&task=view&id=511&Itemid=74
o
http://EzineArticles.com/?expert=Jun_Mallorca
o http://noy-pi.blogspot.com/2008/07/filipino-indie-film-confessional-wins.html
o Philippine Entertainment Portal
o http://youngfilmmakers.multiply.com/

B. TALA NG MGA FILIPINO INDIE FILM


PAMAGAT
DIREKTOR
TEMA
MGA PARANGAL AT NOMINASYON
1. Kamias 1: Memory of Dawn

Khavn De La Cruz

Pag-alala sa nakalipas

Bronze Award in the 19th Tokyo Video Festival

2. Pugot
Khavn De La Cruz

Relasyon at Trahedya ng isang mag-asawa

34th Rotterdam International Film Festival 2005
17th Singapore International Film Festival 2004
6th Cinemanila International Film Festival 2004
New York Filipino Film Festival

3. Ang Pamilyang Kumakain ng Lupa (The Family That Eats Soil)

Khavn De La Cruz

Komedyang tungkol sa isang pamilyang mayroong mga kriminal na gawain

Hubert Bals Fund Spring Selection Round 2004
28th Goteborg International Film Festival 2005
34th Rotterdam International Film Festival 2005


4. Pisay
Aureus Solito
Buhay ng mga Estudyante noong dekada ‘80

2007 Cinemalaya (Best Director)
entry sa Toronto International Film Festival

5. ICU Bed 7

Rica Arevalo
Tumatalakay sa pangkalahatang tema tulad ng kapatawaran, pagtanggap, pagpapagaling at pagbabago ng isang gitnang pamilya na nakikipagsabayan sa mga sakit at karamdaman.

Cinemalaya Best Actor (Eddie Garcia)
Best Direction
2006 Star Awards for Film nominee for Best Digital Film Digital Director of the Year

6. Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros

Aureus Solito
tumatalakay sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang batang homosekswal saka-Maynilaan.

Swarovoski Trophy Best Film(Asian First Film Festival)
Berlin Int’l Film Festival Crystal Bear recipient-Special Mention Best Feature Film, Deutsches Kinderhilfswerk Grand Prix Best Feature Film
Tedy best Feature Film
Cinekid Film Award-Honorable Mention
Cinemalaya Independent Film Festval Awardee(Balanghai Trophy, Best Production Design, Special Citation of the lead actor, Special Jury Prize for the director) FAP Awards best Actor, Best Director, Best Picture, Best Screenplay, Best Production Design, at Best Supporting Actor
Gawad Urian Awardee( best cinematography, best editing, best picture, best screenplay, nominated for best actor, best direction, best music, best production design, at Best supporting actor)
Golden Screen Awards best Performance by an Actor in a Supporting Role
Nominated Independent Spirit Award Best Foreign Film, Las Palmas Film Festival winner(Audience award and Best Actor)
Montreal First Film Prize winner Rotterdam Inter’l Film Festival Netpac award winner
Nominated Sundance Film Festival Grand Jury Prize World Cinema-Dramatic
Torino Intern’I Gay & Lesbian Film Festival Best Feature Film winner.

7. Donsol

Adolfo Alix Jr.
tungkol sa isang lugar na kinatagpuan ng dalawang taong nagagailangan ng Pag-ibig
entry to the 80th Academy Awards for best foreign film
Ft. Lauderdale Film Festival Spirit of the Independent Awardee
Best actress trophy (Angel Aquino) sa Philippines Cinemalaya Independent Film Awards.

8. Torotot

Maryo J. De Los Reyes

tungkol sa mga mag-asawang nakakaranas ng problema sa kanilang mga kabiyak at humantong sa mga di magagandang wakas.

entry sa 35th Brussels International Independent Film Festival

9. Baby Angelo

Joel Ruiz


istorya tungkol sa imbestigasyon sa mga naninirahan sa isang apartment matapos matagpuan ang isang patay na fetus sa mismong tapunan ng apartment
opisyal na entry sa 2008 Philippine Cinemalaya Independent Film Festival

10. Brutus
Tara Illenberger

tungkol sa dalawang batang nagpupuslit ng troso sa kabundukan at sa kanilang paglalakbay na nagmulat sa kanila sa mundong napapag-harian ng kasakiman.

isa sa mga 10 kalahok sa 2008 Philippine Cinemalaya Independent Film Festival




11. Concerto

Paul Alexander Morales



tungkol sa buhay ng isang pamilya noong huling bahagi ng WorldWar II

Bahamas International Film Festival awardee
Entry sa 2008 Philippine Cinemalaya Independent Film Festival


12. Huling Pasada

Paul Sta. Ana at Alvin Yapan

tungkol sa isang babaeng inanabandona ng asawa at prolipikong manunulat na na nakahanap ng sandigan sa pamamagitan ng kanyang pagiging malikhain


entry sa 2008 Philippine Cinemalaya Independent Film Festival


13. Jay

Francis Pasion

tungkol sa dalawang lalaking nagngangalang “Jay’’ kung saan nanghimasok ang isa sa buhay ng isa.

Awardee sa Berlin Hotshots Goteberg
Black Rotterdam Film Festival (Geneva)

14. Ranchero

Michael Cardoz

Buhay ng dalawang preso na maapektohan ang mga buhay dahil sa isang maliit na pangyayari.

Paris Project of the Festival Paris Cinema Entry

15. My Fake American Accent

Onnah Valera at Ned Trespeces

Komedya tungkol sa buhay ng mga Call Center Agents sa ating bansa.



finalist sa 2008 Philippine Cinemalaya Independent Film Festival
16. Kapit sa Patalim

Lino Brocka

tungkol sa isang manggagawa na nawalan ng trabaho matapos tumulong sa mga strikers.
First Cannes Film Festival Entry(1985)
Best Film sa British Film Institute

17. Bahag Kings

Khavn De La Cruz

tungkol sa isang grupo ng kalalakihan na nagsuot lamang ng bahag sa kanilang paglalakbay sa mga urbanidad ng bansa upang tumuklas ng mga bagay-bagay

kalahok sa 35th Rotterdam International Film Fesival, 2006

18. Jaguar

Lino Brocka
tungkol sa isang lalaking matapos tumulong ay napagtaksilan ng taong may utang na loob sa kanya.

Napiling isa sa mga pinakamahusay na pelikula noong 1970’s
Best Picture sa 4th Urian Awards Manunuri ng Pelikulang Pilipino Best Picture sa 28th Annual Awards
Filipino Academy of Movie Arts and Sciences
Official entry sa Competition Section ng 1980 Cannes International Film Festival.

19. Serbis
Brillante Mendoza
Tungkol sa isang pamilyang nagpapatakbo ng isang lugar na inaakalang isang movie house ngunit ito pala ay ginagawang lugar ng pagtatalik.
Asian Film Awards
Nominated Asian Film Award Best Director, Best Supporting Actress, Best Supporting Actress
Bangkok International Film Festival
Year Result Award Category/Recipient(s)
2008 Won Golden Kinnaree Award Southeast Asian Competition
Cannes Film Festival
Year Result Award Category/Recipient(s)
2008 Nominated Golden Pal

20. Confessional
JeroldTarog and Ruel Dahis Antipuesto
Tungkol ang pelikulang ito sa isang lalaki na nagpunta ng Cebu upang gawan ng documentaryo ang Sinulog Festival ngunit pagdating niya rito ay marami siyang nalamang mga rebelasyong hindi niya inaasahan

2007 CinemaOne Best Picture, Best Screenplay ,Best Sound, Best Editing, Best SupportingActors
Star Cinema Special Award
21. Death of the Land of Encantos
Lav Diaz
isang poet ang nagbalik sa kanyang probinsya mula sa ibang bansa matapos ang isang bagyo. Bumalik siya rito at hinarap ang kanyang kamatayan
2007 Venice Film Festival
Winner Venice Horizons Award Special Mention
2008 YCC Winner Best Achievement in Cinematography and Visual Design
YCC Winner in Production Design

22. Endo
Jade Castro
Kwento ng pagmamahalan ng dalawang magkasintahan
Cinemalaya Independent Film Festival Finalist
Winner Best Actress & Special Jury Prize Feature Length
Golden Screen Awards, Philippines
Winner Best Performance by an Actor in a Supporting Role
Young Critics Circle, Philippines
Winner BestAchievement in Film Editing, Best Achievement in Sound and Aural Orchestration& Best Performance by Male or Female, Adult or Child, Individual orEnsemble in Leading or Supporting Role

23. Foster Child
Brilliante Mendoza
Isang drama na tumatalakay sa foster care o pag-aampon sa Pilipinas
Winner 2008 Golden Screen Award Best Performance by an Actress in a Lead RoleWinner
Las Palmas Film Festival SIGNIS Award
Winner Young Critics Circle, Philippines Best Film and Best Screenplay
Brisbane International Film Festival, Netpac Award
Durban International Film Festival, Best Filn at Best Actress
FAMAS Awards, Best Child Actor

24. Kadin
Adolfo Alix Jr.
Ang paghahanap sa nawawalang kambing na pag-aari ng palmilya. Sa gatas nito sila kumukuha ng pangkabuhayan kaya ganoon na lamang ang pagpapahalaga nila rito.

2007 Cinemalaya Independent Film Festival Finalist
Winner Best Cinematography & Best Original Music Score
Winner Golden Screen Awards, Philippines Best Sound
25. Now Showing
Raya Martin
Kwento ng buhay ng mga kabataang babae na nagbebenta ng mga pirated DVD sa Maynila

Cannes Film Festival

26. Tribu
JimLibiran
Kwento ng mga gangs sa Tondo. Ang nangyaring krimen na ginawa ng Diablos ang nagkulang sa grupong Thugz Angels dahil sila ang napagbintangan at hinuli.
Pari de l'Avenir award at the Festival Paris Cinema 2008
Winner of Cinemalaya 2007's Best Film, Best Actors (Ensemble), Best Sound (Mark Laccay).
Official entry to the 12th Pusan International Film Festival (New Currents Section)
58th Internationale Filmfestspiele Berlin (International Forum on New Cinema)
22nd Festival International de Films de Fribourg 2008
Natfilm Festivalen Denmark 2008
Barcelona Asian Film Festival 2008
Titanic Filmfestival 2008 Hungary.
27. the amazing truth about queen raquela

Olaf de Fleur Johannesson
Kwento ni Raquela na isang transekswal na prostityut. Naglakbay siya papuntang ibang bansa upang hanapin ang tamang lalaking magmamahal sa kanya
Berlin International Film Festival Year Result Award Category/Recipient(s) 2008 Won Teddy Best Feature Film
Cinemanila International Film Festival Year Result Award Category/Recipient(s) 2008 Won Grand Jury Prize
New York Lesbian and Gay Film Festival Year Result Award Category/Recipient(s) 2008 Won Best Foreign Narrative Feature
Vanguard Award


28. Tambolista


Adolfo Alix

Tungkol sa paghahangad ng isang lalaki na magkaroon ng isang drum set.

Gawad Urian Award Best Editing (Pinakamahusay na Editing)
Nominated Gawad Urian Award Best Actor
Best Cinematography
Best Direction
Best Music
Best Screenplay
Best Sound
Best Supporting Actor
Best Supporting Actor
Best Supporting Actress

29.
Bayan ko: Kapit sa patalim

Lino Brocka
Kwento ni Luz na nagtatrabaho sa isang printing press. Nagkaproblema siya ng magsara ang pinagtatrabahuhan niya at mawlan ng trabaho ay napilitang gumawa ng mga krimen.

British Film Institute Awards YearResultAwardCategory/Recipient(s) 1984 Won Sutherland Trophy
Cannes Film Festival YearResultAwardCategory/Recipient(s) 1984 Nominated Golden Palm
FAMAS Awards YearResultAwardCategory/Recipient(s) 1986 Won FAMAS Award Best Actor
Nominated FAMAS Award Best DirectorBest Picture
FAP Awards, Philippines YearResultAwardCategory/Recipient(s) 1986 Won FAP Award Best ActorBest DirectorBest PictureBest Story Adaptation
Gawad Urian Awards YearResultAwardCategory/Recipient(s) 1986 Won Gawad Urian Award Best Actor (Pinakamahusay na Pangunahing Aktor)Best Actress (Pinakamahusay na Pangunahing Aktres)Best Picture (Pinakamahusay na Pelikula)Best Screenplay (Pinakamahusay na Dulang Pampelikula)

30. Adela
Adolfo Alix Jr.
Tungkol sa pag-iisa ni Adela na isang radio personality
§ Best Actress, ASEAN Competition,10th Cinemanila International Film Festival
§ ASEAN Competition,10th Cinemanila International Film Festival
§ Official Selection13th Pusan International Film Festival
§ Official Selection33rd Toronto International Film Festival
Cinemanila International Film Festival YearResultAwardCategory/Recipient(s) 2008 Won Best Actress Southeast Asia Film Competition
III. PAGPAPALIWANAG AT KONGKLUSYON NG MGA DATOS

A. INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang Perfumed Night na pinakaunang indie film na ginawa noong 1970 ni Eric de Guia ay mayroong temang comedy at drama. Marahil ito ang naging basehan upang sundan ng mga indie direktor ang katulad na tema. Ang sekswal na tema ay isang sensitibong usapin para sa kabataan na pangunahing manunuod at tagasuporta ng mga indie film. Nakikita na isa ang dahilang ito upang hindi maging sikat ang paggamit ng nasabing tema. Ngunit sa mga nakalap na impormasyon, ang pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ang may pinkamaraming nominasyon at parangal na nakamit. Ito ang nagpapatunay na naging malakas ang dating ng pelikulang ito.




Ipinapakita sa graph na mas maraming pelikula ang mayroong tema na tumatalakay sa buhay ng tao at kakaunti naman ang mayroong temang sekswal.

B. KONGKLUSYON

Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, napag-alaman na ang mga Filipino indie films na may temang sekswal ay hindi madalas na nakakalahok o nagkakamit ng parangal sa mga film fest. Kakaunti lamang ang mga pelikulang may ganitong tema ang nakakasali sa mga film fest. Mas naging matunog lamang ang pagkakapanalo ng mga pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros at Serbis na nagtataglay ng nasabing tema.

C. REKOMENDASYON

Ang mga mananaliksik ay nagrerekomenda sa mga nagnanais na gumawa ng halintulad na pag-aaral ang mga sumusunod:
· Ang pagdaragdag ng mga pelikulang gagamitin upang mas maging malaki ang basehan ng pag-aaral.
· Ang panunuod sa mga pelikulang gagamitin sa pag-aaral dahil magiging malaking tulong ito upang mas mauunawaan ang tema nito.
· Dapat ay maging updated sa mga pangyayari upang malaman ang mga nangyayari sa industriya ng pelikula. Maaring may bago ng nananalong mga indie film na pwedeng isama sa pag-aaral na gagawin.
· Huwag lamang umasa sa mga impormasyong makukuha sa internet. Ang paghahanap ng ibang pagkukunan ng datos para sa pag-aaral ay magiging isang malaking tulong.


IV. SANGGUNIAN

o Dela Cruz, Emil Karlo, The Varsitarian: “Who wants to be an indie film-maker?”

o
http://EzineArticles.com/?expert=Jun_Mallorca

o
http://noy-pi.blogspot.com/2008/07/filipino-indie-film-confessional-wins.html

o
Philippine Entertainment Portal

o
www.aenet.org/family/filmhistory.htm

o
http://youngfilmmakers.multiply.com/

o http://www.filipinasoul.com/six-filipino-films-at-the-berlin-film-fest/

o http://www.filipinasoul.com/filipino-films-in-rotterdam-film-festival/

o http://www.filipinasoul.com/filipino-film-well-received-in-cannes/

o http://technorati.com/posts/g_oppDCL%2BFElUvqWhKX6dEQenmCZpOtP1zq_SYoM9UM%3D

o
http://www.asianpopcorn.com/default.asp?display=Two_Filipino_Indie_Films_Penetrate_61st_Cannes_Film_Festival-5045

o
http://showbizandstyle.inquirer.net/entertainment/entertainment/view/20080526-138773/Finally-a-Filipino-indie-film-on-music-and-musicians

o
http://www.philippine-embassy.de/bln/index.php?option=com_content&task=view&id=511&Itemid=74

No comments:

Post a Comment

Post a Comment